I hated it when I was reprimanded for blocking the pedestrian lane (even though I was already backing up). But it is a simple rule that every driver should know. Otherwise, there is a price to pay. In my case, it was P500.
Schools, I believe, have simple rules. If you break them, you know there is a consequence.
Ok, di 'ko na mapagconnect, haha.
Hindi ko iniaalis ang karapatan ng isang manunulat na ihayag ang kanyang sarili. Ako ay hindi manunulat. Kaya hindi ko alam kung paano ihayag ang aking sarili at hindi ko rin alam ang mga alituntunin sa panunulat o pamamahayag. Paikot-ikot ('pag may time?) na ako.
Respeto. Lahat siguro tayo, 'yan ang hinihingi. I-respeto mo ang karapatan kong ibahagi ang aking karanasan, sabi ng isa. Bigyang galang ang institusyon at mga tao nito na patuloy na nagsusumikap upang makapaghatid ng dekalidad na edukasyon, sabi ng kabilang panig.
Paumanhin, ako ay may pagkiling sa kabilang panig. Dahil ako ay galing sa kabilang panig. Labing isang taon... ito ay itinuring kong pangalawang tahanan, ang mga guro, aking pangalawang magulang. Oo, may mga reklamo din ako at ang aking mga kamag-aral sa mga kalakaran nung panahong iyon. Ngunit, wala namang nangyaring masama sa pagsunod namin.
Ang patakaran na pagsuot ng kulay na pula, itim o puti bilang "ponytail" o "hairband" ay tila mababaw. Kung magtatanong ka kung bakit may ganitong klaseng patakaran, hindi malayong iba-iba ang maririnig mong dahilan. Kung ang simpleng alituntunin na ito ay mahirap intindihin at sundin, pa'no pa kaya ang mga kautusan/pangaral ng isang relihiyon o batas ng isang bansa?
Respeto. Isang konsepto na kung iyong isasabuhay ay malalaman mo kung paanong magpahayag nang hindi nakakasakit ng damdamin ng iba. Matuto po sanang bumusina.
Ipinagmamalaki ko na ako ay galing sa Assumption Antipolo. Hindi ako maimpluwensiya, hindi ako sikat. Wala akong "followers" sa Twitter maliban sa aking mga kakilala. Ito ay simpleng pagtanggol at pasasalamat lamang sa institusyong humubog sa aking pagkatao.
Hindi ako ang ehemplo ng isang perpektong mag-aaral, pero sana naisabuhay ko ng maayos lahat ng sinubok na ipaintindi sa akin noon. Sa aking mga naging guro, maraming salamat po.
I am not a perfect person. But I pray to God I don't offend anyone.
... this is in response to a blog post by a celebrity...
No comments:
Post a Comment